MMDA Chairman Tolentino umapela sa LTFRB

UMAAPELA ngayon si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na irekonsidera ang plano na mag-isyu ng special permit upang makabiyaheng muli ang ilang provincial buses sa Edsa at Metro Manila ngayong holiday season.

Sinabi ni Tolentino sa isang panayam na dapat irekonsidera ng LTFRB ang kanilang desisyon at pag-aralang mabuti kung kinakailangan pa ng mga karagdagang pampasaherong bus sa Metro Manila ngayong holiday season.

Inihayag ni Tolentino na maraming pasahero ang umuuwi sa kani-kanilang probinsya tuwing kapaskuhan.

Ayon rin kay Tolentino, simula sa Miyerkules (Disyembre 14) ay ide-deploy na ang mga MMDA traffic enforcer na kasasabak pa lang sa re-orientation at re-training.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply