MMDA rescue team papunta na sa Iligan

NAGPADALA na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng dalawang toneladang water purifier at 19-man rescue team sa Iligan City para tumulong sa mga nasalanta ng bagyong “Sendong.”

Aalis sakay ng Philippine Navy boat ang rescue team ngayon at doon na magpa-Pasko sa Iligan dahil sa Disyembre 28 pa sila makababalik.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, magmumula sa MMDA Road Emergency Group ang rescue team na kinabibilangan ng mga trained staff, medical services assistants at dalawang mekaniko.

May dala rin silang multi-cab vehicle, medical kits, basic tools, at iba pa.

Sinabi ni Tolentino na sanay ang rescue team dahil sila rin ang ipinadala sa Calumpit at Hagonoy noong pananalasa ng mga bagyong “Pedring” at “Quiel.”

Inaasahan ni Tolentino na malaking tulong ang maibibigay ng kanyang mga tauhan sa mga biktima ng trahedya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply