MMDA vehicle tagging scheme

SA IKA-12 ng Disyembre ay sisimulan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang vehicle tagging scheme kung saan ay lahat ng non-metered Asian utility vehicle (AUV) pati na rin mga shuttle at tourist bus ay sasailalim sa pagpipintura ng bubong, harap at likod, at ang kaliwa’t kanang bahagi ng sasakyan.

Parang color coding ito. May kanya-kanyang kulay para sa iba’t ibang klase ng non-metered public transportations.  Ito ay para madaling makita ng mga traffic enforcers ang mga “colorum” at mga out of line na mga pumapasada.

Sa bubong ng mga sasakyang ito ay nakapintura rin ang license plates para kahit sa closed circuit television (CCTV) ng MMDA Traffic Center ay madaling makita ang mga di dapat bumabyaheng mga pampublikong sasakyan.
Ang penalty sa 1st offense ay P500 lang. Sa 2nd offense ay may multang P500 at posibleng pagkansela ng prangkisa nito. Isang transport group ang nangako na ng kanilang suporta sa scheme na ito. Ang grupong ACTO o Alliance of Concerned Transport Operators ay handing-handa ng papinturahan ang kanilang mga Public Utility Vehicle (PUV) nang sa gayon ay makatulong sa pagsugpo ng mga colorum na PUV.

Sabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, “sa boluntaryong pakikipagtulungan ng ACTO sa kampanyang ito ay nakasisiguro akong dadami pa ang mga operators na susunod sa kanila upang maiwasan ang mga perwisyo pag sinimulan na namin ang pagpapatupad ng vehicle tagging scheme.”

*****

Paalala lang sa mga taga-Parañaque at sa mga dumadaan dito: Nagsimula na ang “partial lifting” ng number coding scheme o Unified Vehicle Volume Reduction Program (UVVRP) noong Disyembre 1 sa naturang siyudad. Partial lifting dahil hindi buong Parañaque ang sasailalim dito. Ito po ang mga kalsadang kasali sa UVVRP:
1. San Antonio Avenue sa Bgy. San Antonio
2. Pres. Aguinaldo, Dominique Savio, Japan, Michael Rua, at France sa Bgy. Don Bosco
3. Dona Soledad Avenue at Dona Soledad Extension sa Bgy. Don Bosco
4. E. Rodriguez sa Bgy. Moonwalk
5. East Service Road ( Sucat rd – FTI Complex)
6. West Service Road (Sucat rd – Merville Subdivision)

*****

Binabati ko ng Maligayang Kaarawan ang Marketing Manager ng British United Automobiles na si Ms. Sheine Ebora! Ang British United Automobiles ang exclusive distributor ng Mini Cooper sa bansa.

* * * *

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko din kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006.

Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply