Mode of transport kay GMA ‘di pinag-isipan

KINONDENA ng kampo ni dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang  desisyon na ilipat sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa pamamagitan ng helicopter si GMA mula sa St. LUkes Medical Center sa Taguig, City.

Ani Zambales Rep. Mitos Magsaysay, kilalang kaalyado ni Arroyo, hindi pinag-isipang mabuti ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang desisyon na gumamit ng helicopter gayung dapat ikonsidera ang masamang panahon.

Binigyang diin ni Magsaysay na kahit ang commercial flights ay sinusupinde na rin dulot ng masamang panahon kaya dapat na inisip at binalewala ng PNP ang planong paggamit ng helicopter.

“It was a no brainer decision considering the weather we are experiencing, even air flights were already canceled,” ayon kay Magsaysay sa isang text messsage.

Sinabi naman ni Elena Bautista-Horn na nauna na ring tumanggi ang dating Pangulo na maisakay sa helicopter patungong VMMC dahil na rin sa masamang panahon at takot na rin itong sumakay dahil sa dalawang helicopter crash na ang naranasan nito dati.

Bukod dito, hindi rin umano nila maintindihan kung bakit pinipilit ng PNP na security reasons ang pagsakay ni Arroyo sa helicopter samantalang nilinaw din nito na ang umaktong decoy ay hindi naman patungo sa VMMC.

Giit pa ni Horn, maaari namang isakay sa isang sasakyang bullet proof si Arroyo upang masiguro ang kaligtasan nito at ang perang gagastusin para sa helicopter ay maaari na lamang gamitin para sa mga mahihirap na Filipino.

Tanong pa ni Horn, bakit walang ibang contingency na inihanda ang PNP gayung alam naman ng mga ito na kahapon pa masama ang panahon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply