Moratorium sa DPWH projects idineklara

MAKAKARANAS ng pagluwag sa trapiko ang publiko dahil sa idineklarang moratorium ng Department of Public Works and Highways sa mga road repair at maintenance simula sa Biyernes (Disyembre 16).

Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, itinigil na ng ahensya ang ibang proyekto noon pang Lunes (Disyembre 12) at ititigil na rin ang ginagawa sa Buendia Flyover sa Biyernes. Mararamdaman ang bahagyang pagluwag sa trapiko sa Lunes ,sa pagsimula ng bakasyon ng mga paaralan sa kalunsuran.

Ayaw umano ni Singson na makabigat pa sa holiday rush ang mga gawain ng ahensya sa mga kalsada.

Habang umiiral ang  moratorium, ang mga paghuhukay at pagkukumpuni ay ititigil maliban na lamang sa mga emergency cases na kinakailangang ayusin.

Ang mga naka-programang proyekto ay sa ikalawang linggo na ng Enero itutuloy. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply