Mosyon ni CGMA tinabla ng Pasay City RTC

HINDI nagawang makapaghain ng mosyon ang abogado ni dating pangulo at ngayo,y  Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos na maunsyami sa pagtungo kanina sa Pasay City Regional Trial Court (RTC)  upang hilingin sa korte na makauwi sa kanilang tahanan sa La Vista, Quezon city ang kanyang kliyente sa Bagong Taon.

Ito’y makaraang matuklasan na nakabakasyon na noon  pang-Disyembre 23 si Pasay RTC Judge Jesus Mupas ng branch 112 kaya’t wala ng pagkakataon na magkaroon pa ng pagdinig sa hirit na makauwi sa kanilang bahay ang dating pangulo mula Disyembre 30 hanggang Enero 2, 2012 upang makapiling ang buong pamilya sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Dakong alas-8 ng umaga nang magtungo sa sala ni Judge Mupas si Atty. Laurence Arroyo, bitbit ang ihahaing mosyon na humihiling na makapagdaos ng Bagong Taon sa kanilang bahay ang dating pangulo.

Bukod sa naturang mosyon, umaasa rin ni Atty. Arroyo na diringgin kahapon ng hukuman ang kanilang kahilingan na makagamit ng laptop at cellphone ang dating pangulo upang magampanan niya ang kanyang tungkulin bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga.

Gayunman, sinabi ni Clerk of Court Atty. Joel Pelicano na hindi na magdaraos ng pagdinig si Judge Mupas matapos na ibasura ang kahilingan ng kampo ni Gng. Arroyo na payagan siyang makauwi ng bahay sa Pasko at Bagong Taon.

Sinabi ni Pelicano na sa Enero 6, 2012 na magdaraos ng pagdinig ang hukom matapos ang pagbabakasyon sa panahon ng Kapaskuhan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply