Motel na parausan ng magsing-irog tanggalin!

DAHIL sa lantarang pambabastos at kawalang respeto ng may-ari ng motel na itinayo sa tapat ng  Apostolic Catholic Church ay hihilingin ng pamunuan ng simbahan kay Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista na magpatawag siya ng public hearing kaugnay sa hokus-pokus na pagpapatayo rito.

Itinayo ang motel hindi lang sa tapat ng simbahan kundi malapit sa dalawang eskuwelahan sa Brgy. Veterans, Quezon City.

Binabastos at hindi na nirerespeto at iginagalang ang Apostolic Church at dalawang eskuwelahan ng mga may-ari ng Nice Hotel na nagsisilbing ‘parausan’ ng makamundong pagnanasa ng magsing-irog.

Nais ni Supreme Head Patriach John Florentino Turuel na magsagawa ng isang public hearing na dadaluhan ng management ng Nice Hotel, QC Academy at San Francisco High  at mga barangay official na nakasasakop sa nasabing lugar.

Para kay Father Turuel, hindi man lamang isinaalang-alang ng nasabing motel ang magiging epekto nito sa simbahan at dalawang eskuwelahan.

Malinaw pa sa sikat ng araw, ipinakikita ng Nice Hotel ang kawalan ng respeto at paglabag din sa moralidad ng mga kabataang nagsisipag-aral sa naturang mga paaralan.

Pero sa kabila nito ay patuloy ang pagtanggi ng Nice Hotel na hindi raw motel ang naturang establisimyento ganong kitang-kita at nagdudumilat sa katotohanan na ito ay isang motel na parausan ng makamundong pagnanasa ng isang magsing-irog.

Tinitiyak pa ng Supreme Head na magsasagawa sila ng kilos-protesta para tutulan ang nasabing motel.

***

VK sona libre

LIBRE pa rin ang mga VK sona ni Kapitana Bebot dela Cruz sa Dagupan City, Pangasinan.

Maging ang pulisya ay hindi kumikilos para hulihin ang mga VK dito.

Kilos…!!!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply