Motel sa Quezon City ipinasasara ng simbahan

IPINAHIHINTO ng Apostolic Catholic Church kay Quezon City Mayor Herbert Bautista ang operasyon ng itinayong Nice hotel sa tapat mismo ng kanilang simbahan sa Bgy. Veterans, QC at kalapit ng dalawang eskuwelahan.

Nais ng Apostolic Catholic Church na may address sa 1003 Edsa, Bgy. Veterans, QC at kaanib ng National Council of Churches of the Philippine na ipahinto ni Mayor Bautista ang operasyon ng Nice hotel sa tapat mismo ng kanilang simbahan dahil isa iyong pag-insulto kanila.

Nabatid kay Patriach John Florentino Teruel Supreme Head ng Apostolic Catholic Church isang insulto sa kanilang simbahan ang itinayong motel sa tapat mismo ng kanilang simbahan sa Edsa,Bgy.Ramon Magsaysay, QC.

Ayon pa kay Teruel, kawalan din ng respeto sa kanilang simbahan ang itinayong motel kung kaya nais nilang magpatawag ng public hearing upang ipatawag ang management ng Nice hotel, ang kanilang simbahan na Apostolic Catholic Church,ang dalawang paaralan na nakapaligid dito ang Quezon City Academy at San Francisco High School, Barangay Official sa dalawang barangay at ang National Council of Churches of the Philippines.

Sinabi ng Apostolic Catholic Church hindi man lamang isinaalang-alang ang kanilang simbahan na nakatayo sa naturang lugar para tayuan ng isang motel sa tapat pa mismo nito na kalapit din ng dalawang eskuwelahan.

Tiniyak  din ng pinuno ng mga Obispo ng Apostolic Catholic Church patuloy ang kanilang kilos protesta para maipahinto ang operasyon ng Nice hotel sa tapat ng kanilang simbahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply