Mother Lily takot kay Asiong Salonga

HINDI naman marahil magsasalita si Gov. ER Ejercito, ang bida sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story nang wala siyang pinagbabasehan, na ayon nga sa kanyang impormasyon, pinagbabawalan ni Mother Lily si Carla Abellana na mag-promote ng naturang pelikula dahil meron din siyang kasabay na pelikulang ipalalabas sa Dec. 25, na gawa ng kanyang home studio na Regal Films.

Ewan natin dito kay Carla kung ano ang ‘ini-umang’ sa kanya ni Lily Monteverde at bigla siyang kumaMbyo at sinabing wala naman daw na legal threat sakaling i-promote niya ang Asiong Salonga.

Eh, bakit hindi siya mag-promote. Kung nasasabi niya ang pelikula niya sa Regal, bakit hindi niya mabanggit-banggit ang project niya kay Governor ER? Hindi naman pala siya pinagbabawalan at tinatakot na idedemanda ng singkit na produng ‘yun. Di ba?

Para lang naman siyang kumakanta e. First song niya ang Yesterday, Today and Tomorrow Flop then pagkatapos second number niya ang Manila Kingpin. Ano ba ang problema roon? Tanggap naman ni Gov. na pangalawa lang siya sa prayoridad nito. Pero ang problema nga, parang may busal daw ang bibig ni Carla at hirap itong masabi ang nasabing pelikula.

Oo nga’t talent siya ni Monteverde, pero may obligasyon din siya sa maginoong gobernador ng Laguna dahil tinanggap niya ang proyekto.

In fact, dinig namin, tatlong beses na mas malaki raw ang talent fee ng hitad sa action movie niya kumpara sa pinaglilingkuran nitong kompanya.

Sabagay, ngayon pa lang ay alam na natin kung alin ang mas maganda at hindi tinipid na movie. Kaya kahit hindi na siguro mag-promote si Ms. Abellana, oks na ‘yun.

***

Kung makapaghihintay… Daniel sa 2017 pa sasagutin ni Kathryn!

TODO-KILIG na naman ang episode ng “Growing Up” bukas (Linggo, Disyembre 11)!

Abangan kung ano ang gagawin ni Ella (Kathryn Bernardo) kapag nabasa na ni Patrick (Daniel Padilla) ang love letter niyang naglalaman ng tunay niyang pagtingin sa binata.

Kaya pa kayang maghintay ni Patrick ng anim na taon para maging ‘sila’ na ni Ella?

Samahan ang loveteams na ‘EllRick’ (Ella at Patrick) nina Kathyrn at Daniel; ‘JaMmy’ (Jason at Tammy) nina Julia Montes at Diego Loyzaga; ‘CaSoy’ (Cassie at Tikoy) nina Yen Santos at Neil Coleta; at ‘Mocha-Vanilla’ (Britney at Winston) nina Kiray Celis at EJ Jallorina sa pagpapatuloy ng kanilang Boracay adventure sa “Growing Up” pagkatapos ng “ASAP Rocks” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.growingup.tv, sundan ang @ABSGrowingUp sa Twitter at i-‘like’ ang http://www.facebook.com/abs.growingup.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.
Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply