Motorcycle-riding secret marshals

BAGO ang talakayan, belated happy birthday muna kay Michael E. Aguirre na nagdiwang ng kaarawan kahapon (Dec. 5). Ang malutong na pagbati ay mula kay Ramil Rondina and family ng Barangay, Tanong, Malabon.

Whewww. Talagang nakababahala, nakatatakot at nakabubuwisit na ang ginagawang paghahasik ng lagim ng mga riding in tandem.

Sa dami ng krimen ngayon na kagagawan ng riding in tandem, nakararamdam tayo ng pagkabahala at kabog sa dibdib.

Ang ikinatatakot pa natin, baka isang araw – mismong tayo na, kaya naman ay miyembro na ng ating pa-milya ang kanilang naging biktima.

Dahil sa ginagawa ng mga kriminal na ito, hindi maalis sa atin na magalit at tinatanong kung bakit nangyayari ito.

Walang pinipiling lugar kung umatake ang mga riding in tandem at tila, ‘di na rin sila natatakot sa mga alagad ng batas.

Habang sinusulat ko ang kolum na ito, may natanggap na naman akong ulat na insidente ng holdap malapit sa aming bahay.

Ito’y nangyari sa Concepcion St., Morning Breeze Subd., Caloocan City, malapit lamang sa MBS police detachment.

Isang babae ang naging biktima at ang ulat, hinablot sa kanya ang kanyang bag na naglalaman ng cash at personal na ari-arian.

At ang mga salarin – na naman – dalawang katao na naka-helmet sakay ang isang motorsiklo o kilala sa tawag na riding in tandem.
Mabuti na lang, medyo mabait pa ang mga holdaper na ito dahil ‘di sinaktan – binaril kaya o sinaksak – ang biktima.

Maaaring nakukulitan na ang liderato ng Pambansang kapulisan sa patuloy na pagtalakay natin sa trabaho ng riding in tandem.

Pero may punto tayo. Kailangang pag-usapan ang nangyayaring krimen ng mga tinatawag nga nating riding in tandem.

Dahil naniniwala tayo na sa paraan na ito maoobliga ang awtoridad sa kanilang pagpupunyaging ma-neutralize ang riding in tandems.

Sa ganitong paraan din, nakapagbibigay tayo ng ‘warning’ sa publiko tungkol sa trabaho ng mga cri-minal in motorcycles.

Ang tagal na kasing problema ang riding in tandem, pero walang solusyon ang liderato ni Dir. Gen. Nick Bartolome.

Sir…magtalaga kaya kayo ng motorcycle-riding secret marshals. Baka sakali, sila na ang sagot dito!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply