Motorsiklo, bus nagsalpukan: 2 patay

NASAWI ang dalawa katao makaraang magsalpukan ang motorsiklo at bus sa Maharlika Highway sa Pili, Camarines Sur.

Nabatid na dead-on-the-spot ang nakaangkas sa motorsiklong si Virgilio Patrico, 26, matapos tumama sa windshield ng bus habang hindi naman umabot nang buhay sa ospital ang driver ng motorsiklong si Lemuel Aguirre, District Statistical Officer ng National Statistics Office (NSO) sa Camsur.

Giit ng driver ng bus na si Garry Yray, pagewang-gewang ang kasalubong na motorsiklo nang mangyari ang insidente.

Kasong reckless imprudence resulting in double homicide ang kakaharapin ng driver ng bus.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply