MRO kumita sa pa-party ng amo

ALAM n’yo ba na tila pinagkakitaan pa yata ng isang media relation Officer sa upper house ang pa-raffle ng kanyang bonus sa isang Christmas party para sa mga legitimate Senate media beat.

Sa kuwentong natanggap ni matang kuwago ng Remate na palpak o may diprensya raw ang appliances na ipina-raffle sa party ni senador.

Pero isa lang ang tiyak ni matang kuwago, walang kinalaman ang mambabatas sa mga palpak na appliances na binili ng kanyang tauhan.

At ang malupit pa nito, sa paghahangad na kumita siguro di baleng mapahiya ang kanyang among mambabatas basta sa isang bodega sale raw ito binili ng appliances na dispalinghado.

Kaya tuloy kaawa ang isang media personality na nakakuha ng appliances dahil gumastos pa siya ng malaki maiuwi lamang ang kanyang napanalunan.

Tuwang-tuwa pa naman ang reporter na ito nang manalo siya subalit nalungkot at nadismaya ng buksan at gamitin na niya ang appliances dahil sa bukod sa pagkakaroon ng diperensya ay nawawala ang mga importanteng accessories nito.

At hindi lang ito, kitang-kita rin sa ibang mga ipina-raffle na appliances and kalumaan ng mga balot o kahon at ang malupit nakalagay pa ang mga presyo na tila ipinagmamalaki kung ganoo kamahal ang naturang appliances subalit ang katotohanang natuklasan ni matang kuwago ay mura lang pala ang mga ito.

Bagamat inireklamo na ang naturang problema ay super deadma pa rin ang naturang MRO at proud na proud pa siyang sa isang bodega sale ito binili, ang lupit mo te.

Si MRO na ito ay likas na kilala noon na may pagkaswtik pagdating sa anda kaya posibleng ginawa niya itong muli sa pa-raffle ng boss niya.

Ang MRO na ating tinutukoy ay may letrang C sa kabuuan ng kanyang pangalan as in corrupt ba ito at kung lalaki o babae bahala na kayong humusga kapag nakaharap na siya. At ang amo ng MRO ay isang dating sundalo at paborito ang letrang K as in Kudeta.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply