Mukhang pera?: Daiana Menezes malabong balikan ni Direk GB

MARIING pinabulaanan ng batang-batang indie/TV director na si direk GB San Pedro ang kumalat na tsikang nagkabalikan na raw sila ng dating syotang si Daiana Menezes.

Ayon sa director ng “Paparazzi” ng TV5 every Sunday, ni hindi pa raw sila nagkakausap ni Daiana since na naghiwalay sila ng landas at sinabi rin ni Direk na wala pa raw siyang karelasyon na binalikan pagkatapos ng break-up.

Kinuha na rin namin ang pahayag ng butihing director hinggil sa tsikang mukhang pera raw si Daiana kung kaya naghiwalay sila ng landas, as in pera raw ang kinagalitan nilang dalawa. Say ni Direk na, in fairness daw kay Daiana, malayong-malayo raw sa katotohanan ang tsikang ito, nagmahalan talaga sila pero sadya lang hindi nag-work out ang kanilang pagsasama. Madalas kasi silang magtalo kahit sa mumunting bagay, yan daw ay sa kadahilanang wala na silang masyadong oras sa isa’t isa kung kaya naiipon ang mga maliliit nilang tampuhan hanggang sa lumaki na nga ito at naging mitsa ng break-up ng dalawa.

Tsika rin kasing may third party involved daw. Balita kasing in love na ngayon si Daiana, so nagpapaligaw pa rin daw si Daiana kahit mag syota na sila ni Direk GB. Natatawang sinabi ni Direk, na hindi ganun klaseng babae si Daiana at walang third party involved. Kung may syota na raw ngayon si Daiana, siguro choice niya raw iyon pero para kay Direk GB, pahinga muna siya sa pakikipagrelasyon at pokus muna sa tambak-tambak niyang trabaho.

******

MARIING pinabulaanan ng kampo ng kontrobersyal ngayong young actress na si Rhian Ramos, ang tsikang pati raw mga komersyal niya ngayon ay unti-unti nang inaalis si Rhian dahilan sa hindi magandang imahe na dulot ng “abortion video” na kumakalat kung saan ay nagsasalita si DJ Mo Twister hinggil sa pagpapalaglag ng sanggol at pagpapakita ng positive pregnancy result. Ayon sa isang taong malapit ke Rhian, wala raw katotohanan ito, ang hiningi lang daw ni Rhian ay pansamantalang ‘pamamahinga’ sa showbiz para harapin ang isyung kinahaharap sa ngayon.

Hindi rin daw apektado ang mga produktong iniindorso ni Rhian dahilan sa napaka-unfair naman daw sa side ni Rhian na basta-basta na lang siyang ipu-pull out ng mga produktong kanyang iniindorso and so far daw ay wala pa raw naman nagtatanggal kay Rhian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply