Mupas inakusahan ng tangkang pangingikil

NAGHAIN ng mosyon si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos sa korte upang ma-inhibit si Pasay RTC Judge Jesus Mupas sa mga kasong electoral sabotage na kinakaharap ni Abalos.

Kaya umanong patunayan ng kampo ng dating Comelec Chairman ang tangkang pangingikil ng mga diumano’y emisaryo ni Judge Mupas na humihingi ng halagang 100 milyon kapalit ng pag-dismiss umano sa kaso nito.

Ayon kay Girlie Abalos, nakatanggap umano ang kanyang ama ng tawag sa telepono na mag-usap ukol sa nakaambang warrant of arrest kay Abalos at humihingi ang mga ito ng P15 milyon upang ma-house arrest na lamang ang dating chairman kaysa makulong sa piitan at P15 milyon upang payagan ng korte na makapag-piyansa.

Sa isang pag-uusap sa pagitan ni Abalos at mga emisaryo na naganap sa Dusit Thani, nagpakilala ang dalawang emisaryo sa mga pangalang Atty. May Mercado  at isang Atty. Jojo Desiderio at nagkaroon muli ng pangalawang pag-uusap sa Richmond Hotel at makaraan ay sa Legend Hotel hanggang magkaroon ng pagkikita muli sa bahay na ng dating Comelec chairman.

Ipinarerebisa na ng mga abogado ni Abalos ang mga CCTV ng mga nabanggit na hotel upang makapagbigay-linaw sa pagkakakilanlan ng dalawang emisaryo umano ni Judge Mupas. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply