Nadia Montenegro muntik masapak ni Annabelle Rama

NAGPA-BLOTTER sa pulisya kaninang umaga ang aktres na si Nadia Montenegro matapos na tangkain siyang saktan ni Annabelle Rama sa loob mismo ng Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO).

Bagama’t hindi naman inabot ng suntok, sinabi ni Montenegro na natakot at nag-iyakan ang kanyang mga anak dahil sa inasal ni Rama.

Dahil dito, nagtungo agad si Montegro sa Quezon City Hall Police Detachment (QCHPD) upang ipa-blotter ang pangyayari.

Sa ulat ng QCHPD, naganap ang tangkang pananapak ni Rama kay Montenegro dakong alas-10 kaninang umaga habang isinasagawa ang preliminary hearing ng kasong libelo sa mismong sala ni Fiscal Liezel Morales, assistant prosecutor na nasa ika-apat na palapag ng QC Prosecutor’s Office.

Nang maawat naman ang dalawang panig, pinalabas agad ni Morales si Rama sa loob ng court room.

Ayon kay Montenegro, maayos naman ang kanilang pagtatagpo ni Rama sa isa pang court room ng QCPO sa kaso namang falsification of public documents.

Pero nang nasa sala na sila ni Morales at tinanong siya ng naturang prosekyutor kung bakit hindi na lang niya bayaran ang kanyang utang kay Montenegro, sinugod na agad ni Rama si Nadia at saka pinagmumura at tinawag pang baboy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply