Nagbebenta ng ‘imported’ fireworks binalaan ng DTI

BINALAAN ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga nagtitinda ng imported firecrackers.

Sinabi ni Trade and Industry Undersecretary Zenaida Maglaya, na hindi nila inaalis ang posibilidad na ang mga ibinebentang imported fireworks ay “repackaged pyrotechnics.”

“Meron tayong nakitang ‘Made in China.’ (Yung iba), mukhang ni-repack at sinabing imported. Bawal ang imported na pyrotechnics,” pahayag ni Maglaya habang inaaalam ang mga presyo ng New Year items at firecrackers sa Divisoria area sa Maynila kanina.

Pinangunahan nina Maglaya at ni Agriculture Assistant Secretary Salvador Salacup ang inspection team sa Divisoria para malaman ang presyo ng mga paputok na ibinebenta roon.

Sa kabilang dako, sinabi ni Maglaya na inaalam na rin nila ang mga paputok na ibinebenta sa Divisoria para malaman kung ang mga ito ay mayroong kaukulang permit at lisensiya mula sa Philippine National Police (PNP).

Hahanapin aniya ng inspection teams ang Product Standards (PS) mark, at aalamin kung ang manufacturer nito ay nasa listahan ng licensed fireworks makers.

Inaasahan na darami ang mamimili ng mga paputok sa mga susunod na araw hanggang sa bisperas ng Bagong Taon.

Samantala, inatasan na ang awtoridad sa transportasyon ang pagbabawal ng pagdadala ng paputok sa mga sasakyang panglupa, pangdagat o pang-himpapawid.

Inatasan ang land, air and sea transport personnel na inspeksyunin ang mga bagahe na may mga paputok at ang pagtatangka na ibiyahe ang mga ito.

Kabilang sa mga nakatanggap ng kautusan ay ang Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Philippine Coast Guard, Maritime Industry Authority, at Light Rail Transit Authority (LRTA) at Metro Rail Transit Authority (MRTA).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply