Nagbigti nga ba o sadyang pinatay para patahimikin?

SA inisyal na report ng pulisya ng Pasay City, lumalabas na nagbigti nang matagpuan ang wala nang buhay na kawani ng City Treasury  ng Pasay  na si Ronaldo Obina sa loob ng banyo ng nasabing tanggapan.

Sa imbestigasyon kasi  ng pulisya, natagpuan ang bangkay ni Obina ng isa sa mga kasamahan nitong si Fernando Cunanan na nakaupo sa tabi ng inidoro.

Sa pag-aakalang nakainom at lasing lamang ang biktima ay lumabas kaagad ito ng CR bago nagtanong sa mga kasamahan kung lasing ang nasabing biktima.

Sa report pa ng pulisya nang balikan uli ni Cunanan ang biktima ay nagulat umano ito nang makita niyang nakabigti na ang nasabing biktima.

Bagama’t ‘yan ang lumalabas sa report ng pulisya, may naaamoy pa rin ang mga kaibigan at kasamahan ng biktima na may  ‘foul play’ sa nangyaring krimen.

Sa nakalap nating source, hindi raw nagbigti o nagpakamatay ang  biktima kundi ito raw ay sadyang pinatay.

Pinatay raw matapos na mahuli sa akto ng  biktima na may ginagahasang lalaki ang isang bading na opisyal ng Treasurer’s Office sa loob ng  tanggapan nito.

Kung totoo man ang nakalkal nating impormasyon, nakupo, Diyos kong mahabagin.

Nakahihiya ang Pasay City dahil bukod sa balot ng mga ‘anomalya’ ang siyudad na ito, puno pa ito ng kalaswaan at imoralidad!

At pambibigti?

PATULO SA PIER, TULOY  ANG TULO

Patuloy ang ‘patulo’ ng krudo, langis at iba pa ng mga hari ng ‘patulo’ na sina alyas Jade at Leonard sa South at North Harbor.

Patuloy na binabawasan ng mga langis,krudo at iba pang mga produktong petrolyo ng dalawang ito ang mga oil tanker truck  kakutsaba ang mga driver ng iba’t ibang oil tankers.

oOo

Anomang mga reklamo o puna ay itext lamang sa 09189274764,09266719269 o kaya email juandesabog@yahoo.com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply