Nagkakasakit na evacuees dumarami sa CDO

PATULOY na dumarami ang nagkakasakit na mga evacuees partikular sa 19 na mga evacuation centers sa Cagayan de Oro City.

Napansin na karamihan sa mga evacuees lalo na ang mga bata ay nagkalagnat, may ubo, meron nagtatae o nagka-diarrhea dahil na rin sa sikip at hindi maayos na bentilasyon ng lugar.

Napag-alaman na umabot sa 9,000 ang pamilyang apektado ng nangyaring kalamidad na nagmula sa 29 na barangay dahil sa pagdaan ng bagyong Sendong.

Samantala, isasagawa naman ngayong araw ang pangalawang phase ng mass burial sa mga narekober na casualties sa ilang city memorial park sa Sitio Bolunseri, Camaman-an sa lungsod.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply