Nakumpiskang iligal na troso gagawing kabaong– DENR

IPNAG-UTOS ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na gamitin ang mga nakumpiskang iligal na troso ng pamahalaan sa paggawa ng mga kabaong para sa mga namatay sa pagbaha sa Cagayan de Oro at mga karatig lalawigan sa Mindanao.

Ito ang inihayag kanina ni Environment Secretary Ramon Paje. Inatasan rin ng kalihim ang isang undersecretary na magtungo ng Cagayan de Oro ngayon para aktuwal na alamin ang pangangailangan ng mga biktima ng bagyo.

Ayon pa sa kalihim, ang naturang mga nasabat na kahoy ay una nang nakalaan para sa paggawa ng mga silya para sa Department of Education, pero uunahin umano ng DENR ang pangangailangan ng mga biktima ng bagyo.

Kaugnay nito, inihayag din ng Department of Health (DOH) na maliban sa cadaver bags naghahanap pa sila ng malaking freezer upang paglagyan ng mga bangkay na ngayon ay naaagnas na dahil hindi maagapan ng mga punerarya dahil sa napakarami biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply