Nalunod na bata sa Mandaue natagpuan na ng PCG

NATAGPUAN na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bangkay ng isang 7-anyos na batang lalaki na nalunod sa bahagi ng Butuanon River, Mandaue City noong Martes.

Ayon kay PCG spokesperson Lcdr. Algier Ricafrente, ang search and rescue (SAR) team ng CG-Cebu Station Cebu ang nakakita sa labi ng bata, may 100 yarda ang layo mula sa Pier-8, North Reclamation Area dakong alas-6:25 ng umaga nitong Miyerkules.

Positibo namang kinilala ni Charice Canete, ang pamangkin na si John Lloyd Sendan, na nagpakita pa ng larawan nito nang nabubuhay pa.

Nabatid sa lola ng biktima na nagpaalam pa umano ang biktima na maliligo sa ilog kasama ang mga kaibigan dakong alas-11:20 ng Martes ng tanghali. Bandang alas-3:00 nang malaman nilang nalunod ang bata.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply