Napikon sa kantiyaw, mantansero winakwak ang sarili

ISANG 27-anyos na matansero ang winakwak ang sariling katawan upang matakasan ang pang-aalipusta sa kanya ng mga katrabaho sa matadero sa bayan ng Malasique, Pangasinan, sa ulat ng pulisya.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Mark Ilumen, 27, may asawa, matansero  at residente ng General Luna St., Malasique.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Malasique PNP, gamit ang kutsilyo na ginagamit sa pagkatay ng baboy ay sinaksak ng biktima ang kanyang leeg.

Agad naman itong naitakbo sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa  salaysay ng misis ng biktima na si Gina Ilumin, bago ang insidente ay nagising siya na wala sa kanyang tabi ang mister at lumabas na parang tuliro sa kanilang nirerentahang bahay.

Makalipas ang ilang minuto ay muli itong nagbalik na tila balisa.

Nagbago raw ang pag-uugali nito nang maospital ang kanilang isang anak.

Lumalabas din sa pagsisiyasat na nagkaroon ng pagkakamali ang kanyang asawa sa pinagtatrabahuang slaughter house na dahilan upang maging tampulan ito ng panlalait ng kanyang kasamahan, isa sa motibong dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply