National state of calamity idineklara ni PNoy

IDINEKLARA na ni Pangulong Noynoy Aquino ang national state of calamity bunsod ng malawakang pinsala ng bagyong Sendong.

Ginawa ng Pangulo ang deklarasyon kasabay ng pagbisita ngayong umaga sa Cagayan de Oro City kung saan agad siyang nagsagawa ng briefing.

Sinabi ng Pangulo na maliban sa Cagayan de Oro, labis ding napinsala ang Iligan City, Ilocos Norte, Quirino at Negros Oriental.

Gagamitin din umano ang natitirang P1.7 billion sa calamity fund para maka-recover ang mga biktima ng kalamidad.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply