Nationwide gun sealing inilunsad ng PNP

PERSONAL na pinangunahan ni Philippine National Police chief Director General Nicanor Bartolome ang nanguna sa pagselyo ng mga baril ng mga police personnel sa loob ng Camp Crame kaninang umaga.

Ayon kay Bartolome, layunin nito na magsilbing babala sa kapulisan na hindi dapat masangkot sa indiscriminate firing ang kapulisan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

“Yung paglalagay ng tape ay just a reminder sa ating mga pulis so that everytime makita nila ang mga tape na ito, ay maaalala nila na may ipinagbabawal tayo sa paggamit ng baril sa pagsalubong ng Bagong Taon,” ani Bartolome.

Nilinaw ni Bartolome, mahigpit ang kanyang babala sa libu-libong mga pulis sa buong bansa dahil maliban sa illegal discharge of service firearm ay posible pang masibak sila sa serbisyo oras na mapatunayang nagkasala.

Inihalimbawa ng PNP chief ang asuntong kinakaharap ngayon ng tatlong pulis na una nang nagpaputok at nag-amok bago ang araw ng Pasko.

Kaugnay nito, mahigpit din ang babala ni Bartolome sa civilian gun owners na balak magpaputok ngayong holiday season dahil posible ring matanggalan sila ng lisensiya lalo na’t madali lamang daw ma-trace ang kanilang record.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply