Nationwide manhunt kay Palparan iniutos

PINAKILOS na ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation para magsagawa ng nationwide manhunt para maaresto sina retired Major General Jovito Palparan at Master Sgt Rizal Hilario na kapwa akusado sa pagdukot sa dalawang estudyante ng University of the Philippines noong 2006 sa bisa na rin ng ipinalabas na warrant of arrest ng Malolos Regional Trial Court.

“I directed the National Bureau of Investigation arresting team led by Region 3 chief, Atty. Ric Diaz, in coordination with the Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), to conduct manhunt operations against them” nakasaad sa direktiba ni de Lima.

Hiniling din ng kalihim sa dalawang akusado na mainam na sumuko na ito kahalintulad ng ginawa ng dalawa pa sa kapwa niya akusado na sina Lt Col Felipe Anotado Jr at Staff Sgt Egdardo Osorio na agad sumuko sa mga awtoridad nang malamang may warrant of arrest na laban sa kanila.

Ang apat ay una nang kinasuhan ng kidnapping ng DOJ sa Malolos RTC matapos kakitaan ng probable cause ang reklamo laban sa kanila dahil sa pagkawala ng dalawang UP students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño, kalaunan ay iniutos ng korte ang pagdakip sa mga ito sa pamamagitan ng ipinalabas na warrant.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply