Nawasak na pananim ni ‘Sendong’ P1-B na

UMABOT na sa halos isang bilyong piso ang nawasak na pananim ng bagyong Sendong na pinakamataas sa mga napinsala ng mga nagdaang bagyo.

Batay sa inisyal  na ulat, lumilitaw na may 87 metric tons ng palay na nagkakahalaga ng P6.1 M ang nasira karamihan sa Palawan, 189 metriko toneladang mais na nagkakahalaga ng P4.5 M ang nawasak naman karamihan sa Zamboanga del Norte at Region 10,  mahigit P4 milyon halaga ng gulayan at prutasan naman ang nasira sa bahagi ng Northern Mindanao (Region 10).

Umabot naman sa P5.35 M na bigas sa Palawan ang iniulat na pinakamalaki sa kasaysayan ng nagdaang bagyo ang nasira na karamihan sa naapektuhan ay mga punla na malapit nang anihin.

Sa maisan sa bahagi ng Zamboanga del Norte, iniulat na napinsala ang halagang P2.27M, kasunod ang Region 10 na may P1.52M napinsala.

Tiniyak naman ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala na nakahandang umayuda ang ahensiya sa mga naapektuhang magsasaka sa pamamagitan ng palit-tanim  scheme, kung saan makatatanggap ng halos 100-percent (%) ng butong pananim ang mga magsasaka kung halos 50%  ang pinsala sa kanilang sakahan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply