NBI tutulong na makilala ang mga bangkay sa CDO

NAGPADALA na rin ang National Bureau of Investiogation (NBI) ng Disaster Victim Identification Team (DVIT) na tutulong sa mga awtoridad sa Cagayan de Oro (CDO) na kilalanin ang mga naagnas nang bangkay sa paghagupit ng bagyong Sendong.

Ayon kay NBI-medico legal Division Chief Dr. Alvin David, na ang ipinadalang grupo ng NBI-DVIT ay mga expert mula sa medico-legal forensic odontologist at dactyloscopy

Ayon pa kay David, sa kauna-unahang pagkakataon ay gagamit sila ng high-tech, genetic analyzer sa forensic investigations.

“We have the DNA machines where we can possibly compare yung DNA profile ng victim with the nearest of kin para madali ang identification process. the result would be 99.9 percent,” ayon kay David.

Sa natanggap na report ng NBI, lumalabas na 240 bangkay na ang na-retrieved ng mga tauhan ng NBI sa CDO kung saan 46 pa sa mga ito ay hindi pa nakikilala.

Sa Iligan City naman ay may 100 bangkay pa ang hindi pa nakikilala ng kanilang mga kaanak hanggang sa mga oras na ito.

“It is more than 24 hours, talagang iisa ang physical features nila… tete de negre, nangingitim ang mukha, protruding ang lips, nangingitim na ang eyeball, bloated na sila.. mahirap na ring magbase ng identification on the physical features alon,” ayon pa kay David.

Nabatid na ang DVIT ay magsasagawa ng specimen hervesting sa mga labi ng mga biktima na nasawi sa bagyong Sendong para sa DNA samples sa loob ng kanilang mga buto, leg muscles at liver tissue.

“Karaniwang umaabot ng hanggang tatlong linggo ang pagproseso sa isang DNA profile pero sa dami ng papasok na DNA samples, malamang na abutin ng hanggang isa hanggang dalawang buwan ang resulta ng DNA profiles,”  ayon sa opisyal ng NBI.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply