Negosyante binoga sa ulo habang namimili sa Divisoria

NAMATAY ang isang 47-anyos na negosyante matapos na barilin sa ulo habang nakatalikod ng hindi nakilalang salarin kaninang umaga sa Divisoria, Tondo, Maynila.

Ang biktima ay nakilalang si Johnwill Quinto, negosyente ng gulay at residente ng 2047-F Leveriza St. Malate, Maynila.

Sa report ni PO2 Bernard Cayabyab ng Manila Police Disytrict-Homicide Section, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang maganap ang pamamraril sa harapan ng Azcarraga Textile Market na matatagpuan sa pagitan ng CM Recto at Ilaya St.,Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni Cayabyab, nabatid na mimili umano ng panindang gulay ang biktima para sa kanyang puwesto sa San Andres, Maynila kasama ang kanyang ka-live-in na si Lilybeth Palomo, 44, nang lapitan siya ng di nakilalang salarin at basta na lamang binaril ng dalawang ulit sa ulo.

Matapos maisakatuparan ang pakay sa biktima ay mabilis na tumakas ang salarin.

Iniimbestigahan na ng pulisya insidente, habang dinala naman ang bangkay ng biktima sa Funeraria Cruz para sa awtopsiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply