Negosyante naholdap, puhunan natangay

NATANGAY ang puhunan ng isang negosyante matapos makabilang sa mga pasahero ng pampasaherong dyip na hinoldap ng tatlong hindi pa nakikilalang mga salarin sa Malabon City kagabi (Disyembre 21).

Magiging malungkot ang Pasko ng biktimang si Edith Caro, 45 ng Meycauayan, Bulacan dahil natangay ang P20,000 puhunan niya sa pagtitinda ng isda.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi, kasakay ni Caro ang mga suspek at apat pang pasahero sa dyip at pagsapit sa Manapat St., Tañong ng lungsod ay naglabas ng mga baril at balisong ang mga holdaper.

Tinangay ng mga holdaper ang cellphone ng mga biktima kabilang ang puhunan ni Caro bago nagsitakas.

Nakahingi pa ng tulong ang mga biktima sa mga pulis subalit hindi na nakita ang mga holdaper.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply