Negosyante nahulihan ng iligal na armas

NAHAHARAP ngayon sa kasong paglabag sa PD 1866 (illegal possession of firearms) ang isang negosyante matapos salakayin ng awtoridad ang bahay nito sa Dumarao, Capiz.

Pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Roxas at ng Dumarao Police Station ang operasyon matapos makatanggap ng sunud-sunod na reklamo hinggil sa pagpapaputok umano ni Neri Longno, 51, ng Barangay Dacuton, Dumarao.

Sa bisa ng search warrant, nakumpiska ng awtoriad ang mga high-powered firearms na pagmamay–ari ng suspek na kinabibilangan ng M-14, 12-gauge shotgun, tatlong magazine ng M-14 at live ammo.

Si Longno ay nakapiit ngayon sa Dumarao Police Station habang nasa kamay naman ng CIDG ang mga nakumpiskang armas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply