NGP report ng DENR dapat ipanotaryo bago isumite– Paje

NAGBABALA ngayon si Environment Secretary Ramon Paje na lahat ng kanilang field officers ay kailangan munang magpanotaryo ng kanilang accomplishment report bago isumite sa DENR head office sa Quezon City.

Ani Paje, kailangang walang duda ang mga report ng 16 na DENR regional executive directors at iba pang DENR field officer na nagpapatupad ng National Greening Program (NGP).

Kailangan umanong maitaas ang competence sa kanila sa pamamagitan ng pagkakaroon ng accurate report na hindi makukwestyon ng Commission on Audit (COA).

Matatandaang hiningi ni Paje ang tulong ng COA upang i-audit ang 1.5 billion tree seedlings na maibibigay at maitatanim sa 1.5 million ektaryang lupain sa ilalim ng NGP mula 2011 hanggang 2016.

Ani Paje, ito ay “necessary measure” upang magkaroon ng transparency at accountability.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply