‘No VIP treatment’ kay Floyd Jr.

SA kabila ng pagiging super star, tiniyak ng Las Vegas Police Department na walang special treatment na aasahan sa kanila si undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr.

Inilabas ngayon ng awtoridad ang larawan ng magiging detention facility ni Mayweather, matapos hatulan ng korte ng 90 araw na pagkakakulong dahil sa kasong pambubugbog.

Ang selda ni Mayweather sa Clark County Detention Center ay maliit lamang na kuwarto, kung saan may maliit na higaan, isang upuan at stainless na urinal at toilet bowl.

Maliban sa jail term, pinagmulta rin ng Las Vegas court si Mayweather ng $2,500, 100 hours na community service at pagsasailalim sa 12 buwan na psychological treatment.
Sa January 6 inaasahang sisimulan ni Mayweather ang kaniyang sentensiya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply