‘No win solution’ sa ehekutibo at hudikatura

NANGANGAMBA si Sen. Edgardo Angara na malagay ang ehekutibo at hudikatura sa “no win situation”, ma-convict man o ma-acquit si Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Angara, sakaling ma-convict si Corona, pansamatalang tagumpay lamang ito sa ehekutibo dahil sinira naman nito ang hudikatura.

Sakali anyang mapawalang sala si Corona ay kasiraan naman ito ng Malakanyang.

Aniya,ngayon pa lamang ay nagkakaroon na ng collateral damages o nadadamay sa banggan ng dalawang sangay ng gobyerno.

Inihalimbawa nito ang mga banat ni Justice Sec. Leila de Lima kay Corona na hindi nararapat dahil kasama ang kalihim sa officers of the court na pinamumunuan ng Punong Mahistrado.

Iginiit pa ng senador na pinakamalaking collateral damage dito ay sa ekonomiya at ngayon pa lamang ay “wait and see attitude” muli ang investors dahil sa gulo ng pulitika sa bansa.

Samantala, duda si Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada na  matatapos ng Senado bilang impeachment court ang paglilitis kay Corona sa loob ng 3 buwan kundi sa maximum na 6 a buwan ang itatagal nito.

Aniya, bukod sa 8 articles of impeachment na kanilang diringin ay depende pa rin sa dami ng mga ebidensiyang ipi-presinta.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply