Nolte kumakasa sa Visag GM Int’l Open

SINULONG ni Pinoy International Master Rolando Nolte ang ikalawang sunod na tabla sa nagaganap na Visag GM International Open Chess Tournament sa Swarna Bharathi, India kagabi (Nobyembre 30).

Nakalikom si former national junior top bet Nolte ng 7.0 puntos matapos makipaghatian kay IM Lalith Babu (Elo 2484) ng India matapos ang 38 moves ng Caro-kann defense sa 10th round.

Kasalo si No. 17 seed Nolte sa 11th to 26th place habang ang kababayang si No. 9 ranked GM Richard Bitoon (Elo 2515) na nakipaghatian ng puntos kay No. 61 seed FIDE Master  Maheswaran P (Elo 2292) ng India ay nasa pang 49th place.

Hawak pa rin ni seeded No. 1 super GM Gupta Abhijeet (Elo 2640) ng India ang solo liderato bitbit ang 8.5 points matapos siyang tablahan ng kanyang kababayang si IM Grover Sahaj (Elo 2515).

Haharapin ni Nolte (Elo 2455) si IM Naranayan Srinath (Elo 2387) ng India sa 11th round upang mapaganda ang kanyang individual standing habang si Bitoon ay kailangang manalo kay IM Babu Sudhakar para makaakyat ng bahagya.

Sa top board, maglalaban sina Gupta at second seeded GM Tigran Petrosian (Elo 2636) ng Armenia. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply