Non-member ng PhilHealth may benepisyo rin

 

MAKATATANGGAP din ng benepisyo ang mga non-member ng PhilHealth partikular na ang nasalanta ng bagyon “Sendong.”

Tiniyak ni Gregorio Rolloda, VP for Corporate Affairs ng PhilHealth, na dapat matamasa ng bawat ng miyembro maging ng mga hindi kasapi ng Philhealth ang kanilang benepisyo na hatid ng ahensya. Partikular na rito ang mga mamamayang nasalanta ng pagragasa ng flashflood sa Northern Mindanao.

Binanggit din ni Rolloda na ginagawa na rin nilang simple ang mga dokumentong isusumite ng mga PhilHealth members para sa mga nawalan ng mahahalagang papeles na inanod ng baha.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga ospital para asikasuhin din ang mga hindi kasapi ng PhilHealth upang makamenos sa kanilang mga babayaran. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply