NPA hitmen killer ng PH practical shooter

NEW People’s Army hitmen ang pumatay sa Philippine practical shooting team member na si Michael Lontoc, ayon sa pahayag kaninang umaga ng isang senior military official.

Ayon sa opisyal na ayaw magpakilala,  binaril si Lontoc matapos samantalahin ang pagtatangka nitong ipuslit ang high-powered assault rifles at ammunition sa bansa para isuplay sa New People’s Army (NPA) rebels.

Bukod pa aniya rito, sinabi rin ng naturang opisyal na nais niyang iparating sa mga imbestigador na tumututok sa kaso ni Lontoc na mayroong isang gun store at  gun refurbishing at repair business.

“There are a number of personalities involved in this particular case, including foreign nationals, but we are limiting our investigation to the victim and his killers,” pahayag pa nito.

Tiniyak din ng opisyal na ang pumatay kay Lontoc ay mga NPA hitmen na sinunod ang kautusan mula sa top communist leaders. Ang NPA ay armed movement ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Matatandaang, pauwi na si Lontoc at  mag-isang nagmamaneho ng kanyang saskyan mula sa isang  shooting competition sa Malabon nang ambusin ng apat na hindi nakikilalang armadong kalalakihan sa magkabilang gilid ng M.H. Del Pilar Avenue sa Malabon, noong Setyembre 25, ngayong taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply