Nude pictures ng ex-GF ikinalat ng bitter na kelot

SWAK sa kulungan ang 21-anyos na lalaki makaraang ipagharap ng reklamo ng dati niyang girlfriend matapos i-upload ang hubad na larawan ng huli sa internet sa Quezon City.

Ipinahuli ng biktimang si Liezl Reger Bismal, 21,  ng 13 Carreon drive, Brgy. Talipapa, QC ang suspek na dati niyang boyfriend si Ramil Medrada, 30, may asawa, driver ng Phase 9, Bagong Silang, Caloocan City .

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Melvin Capili ng Quezon City Police District-Sangandaan Station-3, naging magkasintahan ang biktima at suspek noon at nang magkahiwalay ay may nakilala ang babae na panibagong kaibigan  at naging kasintahan sa pamamagitan ng networking na “Facebook.”

Dahil dito, pinangakuan ng kasal ng nakilalang dayuhan ang babae pero naudlot dahil nakita niyo sa facebook ang hubad na larawan ng babae at dati nitong boyfriend.

Napag-alamang ang suspek ang nag-upload ng mga hubad na larawan ng biktima sa facebook dahil hindi umano nito matanggap ang nakatakdang pagpapakasal ng biktima sa dayuhan.

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong pagpabag sa RA 9995 o Anti-pornography law.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply