Number coding bukas kanselado na – MMDA

SIMULA bukas ay kanselado na ang number coding o unified vehicular volume reduction program (UVVRP) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula ala 1:00 ng hapon.

Inihayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino na ito’y upang mabigyan ng pagkakataon ang mga motorista na makauwi sa kani-kanilang lalawigan para sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Hindi naman sakop ng suspensyon ng number coding bukas ang Makati at Las Piñas.

Muling magbabalik ang coding sa Enero 2, 2012, Lunes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply