Oberhaol sa basikong edukasyon sisimulan na

MASAYA ang naging Pasko ng mga empleyado ng gobyerno dahil may natanggap silang karagdagang sampung libong piso (P10,000) bonus noong akinse ng Disyembre.

Sa nakarating na impormasyon sa Lily’s Files  ay hindi pala lahat ng kawani ng pamahalaan ang naging masaya o nakatang-gap ng P10K bonus ni PNoy , dahil may mga “nagutom” din.

Tsk…tsk…tsk…

Base sa karaingan ng mga  pre–school teacher na nakatalaga sa mga bara-barangay (Day Care Schools), hindi raw sila kabilang sa listahan ng mga masusuwerteng naglilingkod sa ba-yan na bibigyaan ng bonus, Bakit?

Ayon sa ating mga nakapanayam, ang hindi pagiging permanent employee ng mga nasabing guro ang itinuturong dahilan kung bakit  hindi sila nakatanggap ng karagdagang “bonus”.

Bagama’t hindi sila permanent employee ay nasa ilalim naman daw sila ng  Department of Education (DepEd) at 4 na taon na silang nagsisilbi sa bayan.

Lumapit din sila sa opisina ng alkalde ng lungsod o bayan na nakasasakop sa barangay na pinagtuturuan nila pero ang sabi ay hindi nga raw sila makatatanggap ng P10k na bonus ni PNoy dahil sa hindi naman sila “under local government” at sa halip ay sa DepEd  lang daw sila.

Apat na taong mahigit na silang nagtuturo pero ba’t daw ganun – naglilingkod din daw sila sa bayan kaya dapat lang na kasama sila sa PNoy bonus.

Ang nag-text po sa atin ay galing sa isang grupo ng mga guro na  hindi nagpakilala o ‘di man lang  binanggit kung saang lungsod o bayan sila nagtuturo.

Pero Pangulong Aquino, ba’t nga ba ‘di kasali sa P10K bonus ang mga butihing guro natin?

Kawawa naman ang mga pre-school teacher, umasa raw sila sa wala.

Sana sa susunod na magbibigay ng anomang bonus ang pamahalaan, dapat ay linawin nila na ang mga hindi regular na empleyado ay hindi makatatanggap nito, para walang umasa at masaktan.

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento ay mag-text lang sa 09155683000 o mag-email sa lily_reyes13@yahoo.com.

Maraming maraming salamat po sa lahat ng sumusuporta ng Lily’ Files Column dito sa pahayagang REMATE.

MALIGAYANG PASKO PO AT HANGAD KO ANG MASAGANANG BAGONG TAON AT KAPAYAPAAN PARA SA INYONG LAHAT.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply