Obispo, EcoWaste: Pera para sa paputok, i-donate sa mga nasalanta

PINAYUHAN ng isang obispo ng Simbahang Katolika at ng isang ecological group ang mga mamamayan na sa halip na bumili ng mamahaling paputok sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon, ay ipantulong na lang ito sa mga kababayan nating nabiktima ng bagyong Sendong.

Ayon kina Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez, chairman ng Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), at Aileen Lucero, campaigner ng ‘IwasPapuToxic’ ng grupong EcoWaste Coalition, mas magiging makabuluhan ang Pasko at Bagong Taon kung sa halip na mag-aksaya ng pera para sa mga paputok ay tumulong na lamang sa mga biktima ng kalamidad.

“I appeal to the sense of compassion of those planning to put up firework shows to drop your plans and contribute the unspent funds to help the Sendong flood victims,” panawagan pa ni Iñiguez.“Such a merciful gesture will surely get heavenly rewards as this is beneficial for both the people and the environment.”

Nakaugalian na ng mga Pinoy na bumili ng paputok para salubungin ang bagong taon, ngunit kalimitang nagiging sanhi lamang ito ng pinsala sa kanilang kalusugan, habang ang ilang lalawigan at lungsod naman ay nagdaraos ng fireworks display para sa kani-kanilang mga residente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply