Obrerong arawan may pasok sa Disyembre 24

MAY trabaho ang mga obrerong arawan sa Disyembre 24, 2011, araw ng Sabado.

Ito’y base sa Proclamation No. 84 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III noong nakaraang taon kung saan ay nakasaad na mananatiling Disyembre 25, araw ng Linggo lamang ang deklaradong regular holiday.

Kaugnay nito, kabilang sa holidays sa kapaskuhan ang Disyembre 30, Rizal Day; December 31, Last Day of the Year at January 1, New Year’s Day.

Sa kasalukuyan ay wala pang anunsyo ang Palasyo na special non-working holiday ang Disyembre 24 na karaniwan nang ginagawa ng nakaraang administrasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply