Oil companies aayuda na rin sa biktima ni ‘Sendong’

MAGBIBIGAY na rin ng tulong ang mga oil company sa mga nasalanta ng bagyong Sendong.

Sinabi ni Energy Undersecretary Jay Layug, na suportado nila ang inisyatibo ng oil companies na mamahagi ng ayuda sa mga biktima ng kalamidad.

Samantala, nilinaw din ni Layug na sa kabila ng price increase ng Shell at Total ngayong araw, ay mahigpit na ipinapatupad ang price freeze sa mga produktong petrolyo sa mga lugar na binayo ng bagyong Sendong tulad ng Dumaguete City, Cagayan de Oro at Iligan.

Sa ngayon, inaabangan na rin ng DOE, ang magiging paggalaw ng presyo ng petrolyo sa international market sa susunod na linggo at ito ang kanilang magiging batayan kung magkakaroon pa ng rollback o price hike.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply