Oil price freeze inihirit

NANAWAGAN ang Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) kay Pangulong Benigno Aquino III na magpatupad na rin ng national price freeze sa produktong petrolyo.

Ayon kay Piston national president, George San Mateo, naniniwala silang may overpricing ang mga oil companies gamit ang istilong dagdag-bawas na  higit na malaki ang itinataas kaysa sa ibinababa ng presyo ng krudo.

Dahil dito, nagbanta ang grupo ng malawakang kilos-protesta sa pagpasok ng 2012 kung hindi masosolusyunan ng Pangulo ang mataas na presyo ng krudo.

Kaugnay nito nagpatupad na rin ng price freeze ang Department of Trade and Industry  kasunod ng pagkakaroon ng problema sa supply ng pagkain at malinis na tubig,  lalo na sa mga lugar na sinalanta ng bagyong “Sendong.”

Ipapatupad ang price freeze sa buong bansa kasunod ng deklarasyon ng Pangulong Aquino ng national state of calamity.

Sinabi ni DTI Usec. Zeny Maglaya, hindi maaaring magtaas ng presyo ng bilihin kahit mahirap ang supply at pagbiyahe ng mga produkto at pagkain.

Sinumang negosyanteng lalabag sa price freeze ay posibleng makulong ng 10 taon at pagmumultahin ng isang milyong piso. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply