Oil price hike ipinatupad ng Shell, Chevron

MULI na naman papasanin ng motorista ang panibagong pagsirit sa presyo ng gasolina ng mga oil company ngayong araw.

Simula kaninang alas-12:01 ng madaling-araw, nagtaas ang Shell ng P0.80 sa kada litro ng kanilang produktong regular gasoline at P0.40 kada litro sa unleaded gasoline.

Sinundan naman ito ng price hike bg Chevron bandang alas-6:00 ng umaga.

Ang dagdag presyo sa gasolina ay bunsod sa paggalaw ng presyo ng krudo sa world market.

Wala naman inanunsyo ang mga oil company na adjustment sa presyo ng diesel at kerosene. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply