Ok si Col. Macavinta sa NCR

NOONG nakaraang linggo ay nagkaroon ako nang pagkakataon na dumalaw sa napakagandang lalawigan ng Albay kaugnay na rin ng isinagawang 1st National Media Conference on Climate Change Adaptation na pinangunahan ni Gov. Joey Salceda.

Sa buong panahon ng pamamalagi namin doon ay dalawang bagay ang napansin ng mga tropa nang mga mamamahayag mula sa National Press Club sa pangunguna ni Pangulong Jerry Yap at Past President Benny Antiporda.

Una naming napansin ang talaga namang kakaibang natural na ganda nang mga tanawin sa probinsya na pinagbibidahan siyempre nang sikat sa buong mundo na Bulkang Mayon.

Ganun din naman ang pagiging mapayapa ng lalawigan at pagiging disiplinado at magalang ng mga mamamayan.

Maaring bigyan natin ng kredito sa aspetong ito ang mabuting pamumuno ni Salceda pero hindi rin dapat kalimutang bigyan ng papuri ang pamunuan ng kapulisan sa lalawigan sa pangunguna ni Provincial Director Senior Supt. William S. Macavinta.

May kasabihan tayo sa Ingles na “It takes two to tango” at totoo naman iyan talaga.

Kahit anong galing ng pamumuno ni Gob. Joey kung hindi naman susuportahan ng kapulisan sa pamumuno ni Col. Macky ay wala ring mabuting mangyayari.

Bagamat kilala ang Bicol region bilang isa sa mga rehiyon na aktibo pa rin ang kilusang New People’s Army (NPA), kapansin-pansin naman na sa Albay ay mapayapa ang pangkalahatang peace and order situation.

At maaari nating ibigay ang kredito sa mahusay na pamumuno ni Col. Macavinta ang pagiging tahimik ng Albay.

Hindi na rin naman kasi matatawaran ang kanyang karanasan sa panunungkulan at sa iba’t ibang lugar na kanyang pinagsilbihan ay iniwan niya ang mga ito na mas mapayapa at maayos.

Siyanga pala may mga usap-usapan na maaaring mapalitan na si Col. Macavinta sa kanyang puwesto sa Albay dahil mukhang naabot na niya ang mandatory requirement na dalawang taon sa tour of duty niya sa nasabing lalawigan.

Okay lang naman iyon at wala siyang dapat ipanghinayang dahil nagawa na niya ang mga dapat niyang gawin sa Albay sa abot ng kanyang makakaya.

Sana nga lang, ibalik na lang siya ni PNP Director General Nicanor Bartolome rito sa Metro Manila para naman mas mapakinabangan siya sa pagsugpo ng kriminalidad dito sa NCR.

Ano sa tingin mo, Gen. Bartolome?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply