Ongpin, nadiin sa ‘behest’ loan scandal

MISMONG ang secretary ng kontrobersiyal na negosyanteng si Roberto Ongpin ang umamin na nagsilbi siyang “dummy” para sa pinasok na multi-million dollar loan sa mga government banks.

Ayon kay Sen. Serge Osmeña, umamin na sa kanila si Josephine Manalo na isa lamang siyang signatory sa mga kontratang pinasok ni Ongpin at taga-sunod sa bawat utos sa kanya ng negosyante.

Yes, she said that she’s merely the signatory and if she asks to sign something, she signs it,” ani Osmeña.

Maalala na sa unang pagdinig ng Senate blue ribbon committee, lumabas ang pangalan ni Manalo na siyang lumagda sa $180 million loan na natanggap ng kompaniyang Global Air Services (GAS) mula sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.

Ang kompaniya ay sinasabing pag-aari ni Ongpin.

Una na ring iginiit ni Ongpin na hindi “behest” ang naturang loan at wala umano itong padrino tulad ng pagsasabing kapit ito ng dating First Gentleman Mike Arroyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply