Ongpin swak sa insider trading

LUMALABAS ngayon sa inisyal na imbestigasyon ng Senado na may paglabag sa tinatawag na “insider trading” ang negosyanteng si Roberto Ongpin kaugnay ng pagbili ng shares sa Philex mining at ibinenta kay Manny Pangilinan.

Ito ang ibinunyag ni Sen. Serge Osmeña, chairman ng Senate Banks, Financial Institution and Currencies kasunod ng ginanap na pagdinig ng Senate blue ribbon committee ni Sen. Teofisto Guingona III kaugnay ng kontrobersiyal na behest loan.

Ayon kay Osmeña, napatunayan ito sa sulat ni SEC Chairperson Teresita Herbosa at affidavit ni Pangilinan na isinumite kay Senate President Juan Ponce Enrile.

Lumalabas kasi na nagkaroon ng pananamantala sa panig ni Ongpin nang ibenta ang 452,088,160 Philex shares kay Pangilinan sa halagang P21 per share, o kabuuang halaga na  P9,493,851,360 noong December 2, 2009.

Ngunit hindi alam ni Pangilinan na nabili lamang ni Ongpin ang nasa 49 million Philex shares sa halagang P19.25 per share lamang.

“Ongpin bought millions of Philex shares a few hours before the SPA was signed, and he bought these shares at a price much lower than the price that he knew that Pangilinan was buying Philex shares. The higher Pangilinan acquisition cost was known only to Ongpin. This is material information that the public does not know. This is clearly insider trading!” wika pa ni Osmena.

Sinabi pa ni Osmeña na sa mga pahayag ng testigo na humarap sa Senado hindi maitanggi ni Ongpin na may paglabag ito sa insider trading.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply