Opisyal ng Army hinihinalang bihag ng NPA

ISANG Army Major ang inulat na nawawala ngayon matapos na harangin ng may 40 armadong kalalakihan ang kanilang sinasakyang kotse kaninang umaga sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Kinumpirma ni  Army Spokesman Maj Harold Cabunoc, na may isang military officer nga na nawawala matapos na harangin sila ng mga hinihinalang New People’s Army habang tinatahak ang kahabaan ng national  highway sa may Barangay  Guinoman, bayan ng  Diplahan, Zamboanga Sibugay, bandang alas-7:30 ng umaga.

Kinilala naman ng Zamboanga Sibugay Police Chief P/Sr. Supt Ruben Cariaga ang military officer na pinangangambahang nabihag na si Major Ramon Torres ng Army 102nd Infantry Brigade.

Nabatid na sakay ang opisyal ng isang Mitsubishi pickup na pag aari ng TVI Mining mula Ipil town at papunta sana sa bayan ng Bayog sa Zamboanga del Sur ng harangin sila ng mga aramadong kalalakihan.

Ayon kay Cabunoc nagawang makalundag ng opisyal sa sasakayan at nakatakbo palayo sa hinalang ambush site kaya hindi kaagad na itinuturing na nabihag ito ng mga kalaban.

Napag alaman na makaraang kuwestyunin ng mga hinihinalang rebelde ang limang sundalo na kasama ni Torres ay pinawalan din ang mga ito matapos na kumpiskahin ang kanilang mga baril at sunugin ang kanilang sinasakyan.

“Their firearms were also confiscated,” ani Cabunoc.

“Major Torres is still missing and we are on search operation now,” pahayag naman ni Colonel Pedro Dulos, deputy commander ng  102nd Infantry Brigade.

Hinihinalang pangkat ng NPA na pinamumunuan ng isnag Aurora Cayon alias Commander Bambam ang rrsponsable sa nasabing insidente. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply