‘Oplan Put the Little Girl to Sleep’ senaryo ni ‘Dr. Horn’– Drilon

MARIING ipinahayag ngayon ni Senador Franklin Drilon na isang “senaryo” lamang ang “Oplan Put the Little Girl to Sleep” na inimbento ng kampo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Drilon maraming mga senaryo ang iniimbeto ng tagapagsalita ni Ginang Arroyo na Elena Bautista-Horn.

Una sinabi nito na hindi mabuti ang lagay ni Ginang Arroyo, pero nang humarap na ang mga doctor sa korte, bigla umanong bumuti ang kondisyon ni Arroyo.

Hindi na umano kapani-paniwala ang mga pahayag ni Horn, at tinawag pa ito ni Drilon na “Dr. Horn” na higit na nakaaalam sa tunay na kalagayan ni Arroyo.

Nagtataka rin si Drilon kung saan at paano naiisip ni Horn ang pagsisinungaling para lamang umano mabigyan ng pabor ang pinaglilingkurang congresswoman.

Kaugnay nito, pinaburan ni Drilon ang paglilipat sa dating Pangulo sa Veterans Hospital dahil mabibigyan umano ito ng proteksyon at mababantayan ang kanyang karamdaman.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply