OWWA tutulong sa OFWs na apektado ng trahedya

MAGPUPULONG ang mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Cagayan de Oro, Iligan at iba pang lalawigan na naapektuhan ng bagyong Sendong.

Ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon na layunin ng naturang pagpupulong na alamin ang sitwasyon ng mga pamilya ng mga OFW na naapektuhan ng bagyo.

Sinabi ni Dimzon na nasa proseso pa sila ng assessment sa mga nasabing lalawigan at inaalam pa kung ilang pamilya ng mga OFW ang kinakailangang bigyan ng tulong.

Aalamin din ng ahensiya kung magkano ang pondong kinakailangan para sa mga nasalanta ng bagyo.

Kabilang sa mga pinaplano ng ahensya ay ang pagbibigay ng pagkain, tubig at iba pang tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply