Ozu Ong natutong umarte simula nang i-handle ni Direk Maryo J.

MALAKING ang pasasalamat ni Ozu Ong na napili siya ni Direk Maryo J. delos Reyes bilang isa sa members ng Masculados 2. Hindi lang sa pagkanta at pagsasayaw siya na train ng butihing director, bagkus pati na rin ng tamang pag-arte.

Si Direk Maryo J ang mentor ng Masculados 2. Bale creation ito ni direk noon pang early 2002 niya nabuo ang unang batch ng Masculados. Tapos, namayagpag ng ilang taon ang unang batch, sumunod naman noong 2010 ang Masculados 2 na na-retain ang tatlong original members na sina Robin Robel, Lexter Lazaro at Enrico Mofar.

Ang mga bagong members ay sina Ozu, Nico, Orlando Sol at Dart.

Si Ozu ngayon ang nabibigyan ng malaking (malaking break, huh? hahahahaha! – Ed) break sa soap na Munting Heredera. Markado siya bilang inaanak ni Lola Ana (Gloria Romero) na kinuha nito para maging kasa-kasama ni Mark Anthony Fernandez at naging magkabarkada na sila later on.

Nang nagpaalam si Mark Anthony sa kwento on the pretext na hahanapin nito si Jennifer (Mona Louise Rey), pinasamahan ni Lola Ana naman si Ozu para protektahan si Camille Prats.

Napansin din siya ng katulong ni Lola Ana na si Tintin kaya liligawan niya ito. Ang kaso, hindi lang siya ang lalaki nito sa istorya.

Ani Ozu: “Dito ko na natupad ang pangarap kong umarte. Kahit ganitong role pa lang bilang nagsisimulang artista ay masaya na ako dahil may mga speaking lines na ako. Madalas akong nakakasama sa eksena na importante naman ang participation ko.”

Ibig sanang lumabas na sa stage play ni Ozu. Gusto niya ang teatro para mahasa raw siya nang husto sa acting.

“Ilang beses nang na-postpone ang teatro participation ko kasi pumasok na ang role ko sa Munting Heredera. Extended pa ang programa hanggang first week ng February 2012.

Enjoy naman ako sa role ko, kahit paano ay na-explore ko na sarili ko sa acting. Basta, pagpunta ko sa set, ready na ang mga speaking lines ko. Sinasanay ko na sa bahay pa lang!”

Dahil sa hilig na sa pag-aartista ni Ozu, teenager palang siya ay sumasama na siya sa mga extra sa soap opera at pelikula. Nag-aaral pa siya sa high school noon. Pag walang pasok ay sumasama na siya sa isang kamag-anak na namamahala sa mga extra.

Ani Ozu: “Padaan-daan lang ako! Walang speaking lines. Nagsawa na ako sa ganitong trabaho kaya tumigil din ako noon sa pag-extra at nag-concentrate sa pag-aaral sa college.”

Natapos na niya ang college nang pumasok siya bilang isa sa Masculados.

Sobrang preparation ang ginawa niya para makapasa sa audition nito. Ilang months siyang nag-gym. Tapos, nag-aral kumanta at sumayaw. Di lang kay Direk Maryo J. siya nakapasa, pati kay Gelene Eugenio, ang choreographer ng Masculados 2.

Unang sabak niya sa soap opera buhat nang maging Masculados ay bilang bouncer sa programang Rosalinda. Sandali lang ang role niya rito, di tulad sa Munting Heredera na visible ang role niya sa flow ng estorya ng soap.

000

Ellen, Jackie at Angelicopter pare-parehong may sama ng loob sa daldakinong si Arnold Aninion

KAHIT umalis na sina Ellen Adarna, Jackie Forster at Angelicopter sa Survivor Philippines 2011, nakababasa pa rin sila ng hindi maganda sa Twitter ng kasamahan nila sa island na si Arnold Aninion, na isa sa Philippine Volcanoe na kasama sa reality show ng GMA-7.

Hindi magre-react nang husto sina Ellen, Jackie at Angeli, sabi ng aming source, kung hindi sila apektado sa mga patutsada ni Arnold sa kanila.

Feeling ng tatlo, nakao-offend talaga ang Tweet ni Arnold para kanilang tatlo.

Kay Ellen, hindi na sana niya ito papansinin pero talagang nagtampo nang husto ang dalaga sa sinabi ni Arnold. Ugali kasi ni Ellen na maging prangka at wala nang itinatago pa sa kanyang buhay showbiz.

Pagkatapos umalis sa Survivor ni Ellen, balik siya sa Bubble Gang na mapanonood tuwing Friday night. Member si Ellen ng Bubblets ng BG.

000

TUWIRAN nang sinabi ni Phillip Salvador noong last presscon ng Ang Panday na binabalak na niyang kumandidato sa election sa 2013. Isang local position ang kanyang sasalihan sa isang siyudad sa Metro Manila.

Talagang pakay din niyang makapaglingkod sa mga tao sa pamamagitan sa pag-upo sa isang mahalagang posisyon sa local government.

Samantala, nami-miss na ni Phillip Salvador na lumabas sila ni Sen. Bong Revilla na sila talaga ang character na kanilang ginagampanan. Di raw tulad sa Ang Panday na inamin ni Phillip na nahirapan niyang gampanan dahil di niya pagkatao ang inaarte niya. Naka-prosthetic siya at iba ang kanyang pagsasalita bilang si Lizardo.

Bukod sa hirap na siya sa costume, hirap pa rin siya sa pagdi-deliver ng lines sa movie na ilalahok sa 2011 Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Phillip, gusto naman niyang gumawa sila ni Bong ng mga pelikula na ginagawa nina Al Pacino at Robert de Niro. Yung bang parang dati nilang ginagawa ni Bong.

000

MASAYANG kausap si Kristoffer Martin na kausap. Wala talaga siyang inililihim sa mga interviews tulad na lang ng pagtatangi sa kanyang leading lady na si Joyce Ching.

Magkasama ang dalawa sa Ikaw Lamang ang Mamahalin.

Alam ba ninyo, ngayon palang ay nagsasabi na si Kristoffer na may pinag-iipunan na siyang regalo para kay Joyce. Special daw ito at gugulatin na lang niya ang dalaga.

Tungkol naman sa kanyang pag-aaral, tapos na siya ng high school at kahit busy na siya sa kanyang showbiz career ngayon dahil may soap opera na siya bilang leading man ni Joyce sa ILAM, hindi pa rin niya nakalilimutan ang pag-aaral.

Bale college na siya ngayon, kaya lang, dahil sa kanyang busy sched, home study course muna siya.

Talagang masinop si Kristoffer. Nung high school, scholar siya noon bilang swimmer ng school niyang pinapasukan sa Olongapo City.

Ngayon naman, ambisyon niyang magkaroon ng sariling kotse at malapit na raw itong matupad sabi ng kanyang ama. Basta the moment na magkaroon lang siya muli ng another soap, ibibili na siya ng kotse.

000

IBA na talaga ang nararating ng NEWS5 Aksyon Weather Center kamakailan dahil sa pag-angat nito sa paghahatid ng ulat-panahon sa bansa lalo na sa panahon ng mga kalamidad. Tatlong agencies na ang kumilala sa programa dahil sa kanilang kakaibang pag-broadcast ng ulat ng panahon.

Ginawaran ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), AGHAM Partylist at Philippine Meteorology Society ng plake ng pagkilala ang NEWS5 sa READY Project National Conference na inorganisa ng National  Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at PAGASA sa Hotel Sofitel.

Pinarangalan ni AGHAM Partylist Rep. Angelo Palmones ang NEWS5 Aksyon Weather Center “for its ingenious contributions and unwavering dedication in upholding the highest standards of sciences in the field of meteorology in the Philippines. It has advanced the methods in which weather forecasts are disseminated, delivering a more visual and accurate relay of information to the Filipino public.”

Ani Palmones, karapat-dapat ang TV5 sa parangal dahil “what they are doing is not just the visual impact para sa mga manonood, but pag-laymanizing the science of weather forecasting. Magandang effort ito para maintindihan ng mga tao kung ano ang kahalagahan ng meteorology program by understanding yung pagbabago ng ating panahon through weather reporting.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply